Sa Gitna ng Rantso II - Part 25
KABANATA XXV
“You can leave anytime if it doesn’t fit you.”
Isang umaga ay nagising ako.
Putok na ang araw.
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid ng kwarto.
Walang tao at nag-iisa ako.
Tanging makapal na kumot lang ang bumabalot na sumisiping sa akin ng pagising ko.
Nag-inat ako.
May kulang dalawang Linggo na lang bago ako pumasok sa iskwelahan.
Matagal-tagal pa pero excited na ko.
Pero saka ko na iisipin.
Bumangon ako at naligo.
Hinugasan ko ang butas ko dahil sigurado akong papasukan na naman ito.
Saka ko binabad ang buong katawan ko sa bathtub.
Makalipas ng halos kalahating oras ay lumabas na ako ng kwarto.
Walang tao sa play area.
Walang tao sa sala at kusina.
Nagkalat ang mga damit nila.
Niligpit ko ang mga iyon at naghugas din ako ng pinagkainan.
Saka ako nag-agahan.
Sinaliksik ko ang iskwelahan na papasukan ko sa mga susunod na araw.
Ang sabi ni Daddy Jason dati ay community college yun.
Nagbasa ako ng mga artikulo ukol sa community college na ito.
Dito ko nalaman na dalawang taon lang ang course ko.
Ang tawag sa akin ay “non-resident” dahil hindi ako lokal na nakatira dito sa Colorado.
Ibig sabihin ay mas malaki ang babayaran para makapag-aral ako dito.
Halos umaabot ng labing pitong libong dolyar sa loob ng isang taon.
Halos isang milyon na yun sa Pilipinas.
Community college pa lang ito, hindi pa university. Paano pa kaya kung university?
Ibig sabihin, gagastos si Tito Richard ng kulang dalawang milyong piso para pag-aralin ako ng Associate Degree in Nursing.
At pagkatapos ay kukuha ako ng national licensure examination kahit 2-year course lang ako.
Pagkatapos ng exam na yun ay pwede na akong magtrabaho.
Maaari kong ituloy ng bachelor habang nagtatrabaho.
Yun ay kung gugustuhin ko.
Hmmmm…
Ayus na ayus ‘to.
Hindi mashadong magtatagal at maaari ko nang suklian ang tito at tita ko sa pagpapa-aral nila sa akin.
Pagtanaw ko sa labas ay nakita ko sa Daddy Jason.
Nasa veranda siya. Nakaupo sa malaking kahoy na upuan niya.
Nakatingin sa malawak na damuhan ng rantso.
Mukhang kanina pa siya nandoon.
Tumayo ako at lumabas.
Lumapit ako dala ang isang tasa ng kape.
Iniabot ko ito sa kanya.
"Good morning, Daddy." Pagbati ko sa kanya.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
May halong ngiti ang kanyang mukha.
"Morning, sexy boy." Maigting pagbati din niya.
Hinawakan niya ako sa pisngi ng puwit ko at ginabayan ako para maupo sa isang hita niya.
Topless siya at nakasuot lang ng pantalon.
Lantad ang bukol-bukol na mga kalamnan niya sa kabila ng mahigit na sisenta anyos.
“You really find me sexy?” Tanong ko sa kanya. “Even though you’re a man and I’m not a woman.”
Hindi naman ako naghahangad ng sagot.
“Sound like a lady when you moan.” Deretsong sagot niya.
Na para bang hindi siya nagbibiro.
“And you liked that.” Sagot ko naman.
“Come on.” Sagot naman niya. “Look at you.”
Sabay tingin niya muli mula ulo ko hanggang paa.
“Your skin is like a woman, your face is like a woman, and your height is like a woman.” Pag-iisa-isa niya.
Ang tono ng pananalita niya ay para bang matandang lalaki.
Hindi na ako nagsalita pa.
Sobra lang talaga siyang magsalarawan.
Tamang inaalagaan ko ang balat ko pero hindi naman ako kagwapuhan o kagandahan.
Katamtaman lang ang hitsura ko, tamang payat pero hindi ako hugis babae.
Aminado naman din akong singtangkad ko lang ang mga babae dito sa Amerika.
Mashado naman kasing mga pinagpala sa height ang mga lalaki dito, kahit anong lahi.
Mula sa kinauupuan namin ay kitang-kita ang buong lupain.
Hindi natatanaw ang bakod.
Madaming maliliit na kamalig.
May mga greenhouse na matagal nang hindi ginagamit.
Tahimik ang buong rantso.
Hindi kasing ingay at gulo noong weekend.
Parang pakiramdam ko tuloy ay kulang.
Napansin siguro ni Daddy Jason ang pagtingin ko sa paligid.
"Too quiet for you?" Tanong niya.
Ngumiti ako nang kaunti.
"I don’t know." Sagot ko.
Humigop siya ng kape.
Mabagal.
Kalmado.
Pagkatapos ay tumingin ulit siya sa lupain.
"You see all that land, Tom?" Pagsasalita niyang muli.
Sinundan ko ang tingin niya. Ang malawak na damuhan hanggang sa likod ng bahay.
"Yes, Daddy." Sagot ko.
"I’ve been thinking." Pambungad niya.
Sandali siyang tumahimik bago nagsalita ulit.
"This ranch shouldn’t stay half-empty." Sabi niya.
Tumingin ako sa kanya.
"What do you mean?" Tanong ko.
“Many consumers demand more supplies.” Pagpapaliwanag niya. “Your boyfriends will cry to do so much work.”
"In the back field, we build a bigger greenhouse." Pagpapatuloy niya.
Tinuro niya ang bahagi ng lupa sa likod.
"We need more vegetables. Herbs. Maybe fruits." Sabi pa niya.
Pagkatapos ay tumuro siya sa kabilang side ng property.
"And more livestock. Goats. Maybe some cattle." Dugtong pa niya.
Napakunot ang noo ko.
"That sounds like a lot of work." Sabi ko pa.
Ngumiti siya nang bahagya.
"It is." Tugon niya.
Humigop ulit siya ng kape.
"Produce deliveries to town. Fresh vegetables. Eggs. Meat." Sabi pa niya.
Tumingin siya sa akin.
"Ranch should earn more than weekend fun." Kataga niya.
Tumango ako nang dahan-dahan.
"So… more business?" Tanong ko.
"Exactly." Sagot niya.
Tumahimik siyang muli.
Kapwa kami nakatingin sa kabuuan ng rantso.
Tama lang yun.
Huwag puro “fun” lang ang gagawin dito.
Dapat ay mapakinabangan din ito sa magandang bagay.
Kumbaga ba ay “make the most out of it”.
Maya-maya lang ay dumating si Daddy Joven galing loob ng bahay.
“Mind if I join?” Tanong niya habang umupo na siya sa isa pang upuan na halos katabi ni Daddy Jason.
Katulad ni Daddy Jason ay naka-topless din si Daddy Joven.
Kita din ang kanyang mga kalamnan ngunit hindi ganon kapulido.
May hawak din siyang kape.
Nakatingin at nakangiti siya sa akin.
“Yo, Tom, what’s good?” Tanong niya sa akin.
Nagkipit balikat ako.
Hindi ko alam ang sasabihin ko.
“Two days gone and you still cryin’ last night?” Matawa-tawang tanong niya.
Hindi ko alam kung dapat akong mahiya.
Tumawa ng bahagya si Daddy Jason.
“Don’t let him fool you, he’s tougher than he looks.” Sabi niya.
Tumingin sa akin si Daddy Joven.
Nagkipit balikat ulit ako.
Ngumiti naman siya.
“Yeah.” Sabi pa niya “I joined in hitting him last night.”
“Told you.” Kaswal na sagot ni Daddy Jason.
Nakangiti lang ako.
Pano ba naman kasi?
Daks silang lahat at nagmamatsohan.
Wala naman akong mabigat na ginagawa dito sa rantso.
Punong-puno ang katawan ko ng lakas araw-araw.
Pakikipagtalik lang sa kanila ang umuubos non.
“Take your lunch early.” Bungad muli ni Daddy Joven. “We need to be there before 1300.”
Nagtaka ako.
“You’re leaving?” Tanong ko sa kanilang dalawa.
“Remember I’m bout to release two prisoners soon?” Bungad ni Daddy Joven. “Gotta see ‘em first.”
Naalala ko na.
Consultant nga pala siya ng mga bilanggo.
“Let’s use my truck.” Sabat ni Daddy Jason.
“Nah.” Sagot naman agad ni Daddy Joven. “We rollin’ in my pickup.”
“Can I come?” Tanong ko.
Pareho silang tumingin sa akin.
Na para bang nagtataka.
“Can you act discreet?” Tanong sa akin ni Daddy Joven.
“Of course!” Sagot ko agad.
Hindi sila sumagot agad.
Nag-iisip at nakatingin pa rin sila akin.
“Except that I look too Asian.” Sabi ko pa.
Umaliwalas ang mukha ni Daddy Jason.
“It’s cool.” Tugon naman niya kay Daddy Joven.
Pagkatapos non ay pumunta sa sila sa mga gym equipment sa labas ng bahay.
Maya-maya din noon ay dumating na galing sa rantso ang iba pang mga lalaki.
Si Daddy Greg naman ay nagluto saglit ng pagkain at nagbuhat na din.
At pinanood ko lang silang pito sa pagpapalaki ng kanilang mga katawan hanggang sa kumain kami ng pananghalian.
***
Mabilis magpatakbo si Daddy Joven ng pickup niya.
Kaya wala pang kalahating oras ay nasa bilangguan na kami.
Pumasok kaming tatlo nila Daddy Jason at Dady Joven sa isang kwarto.
Wala kaming nadaanang mga selda.
Puro opisina lang.
Palagay ko, ang mga selda ay nasa likod ng gusali.
Dumeretso kami agad sa kwartong ito.
Amoy disinfectant ang paligid.
May isang lamesa sa gitna.
Mga nasa sampo ang upuan sa paligid ng lamesa.
May isang ilaw na nakabitin sa gitna ng kisame.
Malungkot ang kulang ng buong kwarto.
Pagkalipas ng tatlong minutong paghihintay ay bumukas ang pintuan.
Pumasok ang dalawang itim na lalaking nakasuot ng kulay orange na kasuotan.
Kapwa sila naka-posas.
Pareho din silang kalbo.
Pareho silang matangkad.
Umupo silang pareho sa kabilang dako ng mesa at nakaharap sa amin.
Nasa bandang likod ako nila Daddy Jason at Daddy Joven.
Naiwan sa labas ng kwarto ang dalawang pulis.
Saka nila sinarado ang pinto.
“This is Jason. Ranch owner in Colorado. This is Tom. He lives and works with us.” Pagpapaliwanag ni Daddy Joven.
Tumingin sa akin ang dalawang preso.
May pagtataka sa kanilang mga mukha.
Sandaling-sandali lang ay bumaling na sila muli kay Daddy Joven.
“This is Enko. Thirty-nine.” Pagpapatuloy ni Daddy Joven habang pinapakilala niya ang isa sa mga preso kay Daddy Jason. “Inside for organizing illegal sex gatherings. Repeated charges. No violence. Served most of a ten-year sentence.”
“They set me up.” Sabat ng isa sa kanila na likas ang mapungay na mga mata.
Walang nag-salita.
Huminto saglit si Daddy Joven.
Hindi rin kumibo si Daddy Jason.
“This is Manny. Forty-two.” Paliwanag ni Daddy Joven. “Inside for voyeurism and illegal recordings. Pattern case. Completed treatment programs. Time served.”
Si Manny ay nakatingin sa akin.
May talim ang kanyang mga bilugan na mata.
Para bang nababasa niya ang pagkatao ko.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matakot.
“Both close to release. No family. No housing. I’m finalizing documents.” Paliwanag pa ni Daddy Joven.
Grabeh naman!
Walang pamilya at walang matutuluyan?
Tinanggal na ni Manny ang mga mata niya sa akin.
“What’s the offer?” Tanong niya habang nakatingin kila Daddy Jason at Daddy Joven.
Sumulong ng bahagya si Daddy Jason sa lamesa.
“Work the ranch. Animals. Maintenance. Long days.” Sa pagsasalita niya.
“You get a bed. Shared room. Simple meals. Ranch food with limits.” Pagpapatuloy ni Daddy Jason.
Tumatango si Enko.
Mukhang okay sa kanya ang sinasabi ni Daddy Jason.
“Any rules?” Tanong niya sa malalim ngunit malumanay na boses.
Binigyan ni Daddy Jason ang dalawang preso ng tig-isang papel.
“No drugs inside,” Sabi ni Daddy Jason. “No mess. Smoke or drink off property. Come back clean.”
“Anything you see and hear inside the ranch remains at the ranch.” Sabi pa niya. “You can use anything at the ranch.”
“Folks don’t come through here unless I say so. You want more time off, set it up with the others ahead of time. Everybody gets a physical. If the doctor wants more tests, we do those too.” Dagdag pa niya.
Parehong tahimik na nag-iisip ang dalawang preso habang nakatingin at binabasa ang mga nakasulat sa papel.
Matagal ang binilang na segundo bago may nagsalitang muli.
“And if it’s not enough.” Tanong pa ni Manny.
Ang tono ng pananalita niya ay matalim.
Bakas sa kanya ang pagiging mitikuloso sa mga bagay.
“You talk,” Sagot naman ni Daddy Jason. “You leave. No debt.”
Tumahimik muli sila.
Patuloy sa pagbabasa ang dalawang preso sa tig-isang papel nila.
Tahimik na naghihintay din sina Daddy Jason at Daddy Joven.
“What about pay?” Tanong ni Enko.
Mas mahinahon siya kumpara kay Manny.
“Low to start. Legal. Room and food covered.” Deretsong sagot ni Daddy Jason.
Parehong tumatango ang dalawang preso.
“Regular days off.” Sabat ni Manny.
“One each week,” Sagot ni Daddy Jason. “More later, depends on demands.”
“Housing sponsorship clears parole delay.” Dugtong pa ni Daddy Joven.
Ang ibig niyang sabihin ay mas magiging mabilis ang proseso ng pagpapalaya sa kanila kung merong sasagot ng bahay nila.
Pagkalipas lamang ng ilang sandali ay pareho na silang sumulat sa papel.
Kinuha ni Daddy Joven ang mga papel at inilagay sa folder na hawak niya.
“So… when we actually get out?” Masiglang tanong ni Enko.
“Within this week,” Mahinahong sagot ni Daddy Joven. “The paperwork’s almost done. I just need to follow a few more steps.”
“I’ll be preparing your place once you arrive.” Sagot pa ni Daddy Jason.
“Why… you so damn kind? Ain’t like most people out here.” Pagtatakang tanong ni Manny kay Daddy Jason.
Halata sa mukha niya na kanina pa siya nangingilatis.
Sumandal si Daddy Jason sa inuupuan niya.
“My man here got some things to handle for your release.” Paliwanag niya. “You both got nowhere to go. I need manpower for my business.”
Nagkipit balikat pa siya.
“And I got a place to offer.” Pagpapatuloy niya. “Everybody wins.”
Tumatango-tango naman si Daddy Joven.
“Besides,” Sabat naman ni Daddy Joven. “You can leave anytime if it doesn’t fit you.”
Nagtanguan naman ang dalawang preso.
“Guess… freedom still feels weird to think about.” Pabiro pa ni Enko.
Nagpalitan pa sila ng mga salita.
Nagkwentuhan pa sila ng mga bagay-bagay.
Halos hindi ko na maintindihan ang ibang mga salita sa sobrang slang.
Ang naiintindihan ko lang ay pareho silang na-set-up sa mga kaso nila.
Parehong may kinalaman sa sex ang mga kaso nila.
Pero dahil hindi nila afford ang ipagtanggol ang kanilang mga sarili ay nakulong sila ng halos sampong taon.
Kinwento din nila kung gaano kakalkulado ang mga kilos nila sa loob ng selda.
Madalas daw ay hindi masarap ang kanilang mga kinakain.
Pagkatapos nilang mag-usap ay pumasok na ang mga pulis.
Dalawa silang kulay puti ang balat at kulay asul ang mga mata.
Tumayo naman agad ang dalawang preso at nagpaalam na kina Daddy Jason at Daddy Joven.
Pareho din silang tumango sa akin.
Kasunod nila ay lumabas na din kami ng kwartong iyon.
Nauna kami ni Daddy Jason sa sasakyan habang may inasikaso pang ibang bagay si Daddy Joven sa loob ng gusali.
Pagbalik niya sa sasakyan ay wala na siyang dalang folder.
Agad kaming umuwi sa rantso.
Comments